Anghel sa Ayala Triangle
- heheheherson
- Feb 18, 2024
- 1 min read

May nagliliwaliw; may nagmamadali. May naglalakad; may kumakain. May matingkad; may mapusyaw. May langit; may lupa. Mayroong pinapangarap; may humihiling ng himala.
O, binibining nakagayak ng matingkad na rosas
Mga matang mapungay na lalong pinabighani ng antipara
Kaulayaw ang mga tahimik na kaibigan
Nakatitigan ngunit pagtingi'y agad inilagan
Nakasalubong nang mas mabilis pa sa kisapmata

Ano kaya ang pangalan mo?
Araw ng puso'y itinakda sa ating pagtatagpo
Hindi ka maalis sa panagimpan ko
Kahit ako'y hindi naaninag ng isip mo
O, kahali-halinang anghel sa mayuming paraiso
Napaibig nang husto sa sulyap mo
Pagsibol ng isang bagong umaga
Mapapasaakin ka't ako'y mapapasaiyo
Kapag nasuntok ko ang buwan
Photo Credits:
Ayala Triangle Gardens on Facebook
mrsoyeon760 on Pinterest
Comments